Accreditation mula sa lokal na pamahalaan na lamang ngayon ang hinihintay ng ALIMA Skin Art, Inc. para ma-regulate ang mga miyembro nila.
Sapagkat aminado ngayon ang kanilang founder na si Sonny SeƱeres na halos hindi pa nila magagawa ang pag-regulate sa kanilang mga miyembro dahil halos wala pa silang boses para ipa-abot ang kanilang mga concern at maglatag ng kanilang mga alituntunin sa lahat ng kanilang miyembro.
Ito ay maliban pa sa pagkakaroon nila ng pare-parehong taripa sa paniningil nila sa kanilang serbisyo, at maging ang lugar umano kung saan nila pwedeng gawin ang kanilang serbisyo ay hindi pa nila alam.
Kaya kapag na-accredit na ang mga ito, ay magkakaroon na rin sila ng regulasyon.
Pero ganun pa man, siniguro nito na maayos at maingat namang nagagawa ng mga miyembro nila ang pag-ta-tattoo na hindi makasira sa balat ng kostumer lalo na sa mga bata na may edad 15 ayos pababa dahil sila umano ay may alam din sa maaaring epekto sa kanilang customer sa bawat pagkakamaling magagawa nila.
Matatandaang ang ALIMA ay nanghingi na rin ng accreditation sa Sangguniang Bayan ng Malay pero hindi pa na-aprubahan dahil may ilang bagay pang aayusin para sa regulasyon ng mga tattoo artist sa Boracay.
Ang ALIMA o Artist Link to the Mass Art Club ay grupo ng mga tattoo artist sa Boracay, na gumagawa ng temporary henna tattoo at permanenteng tattoo.
No comments:
Post a Comment