Tatlong linggo na lang bago ang May 2013 midterm elections, pero hindi pa rin nakakapag-apply ang mga establishment sa Boracay para sa Comelec exemption kaugnay sa ipapatupad na liquor ban.
Bagay na tila dismayado umano ang kumisyon dahil hanggang sa noong ika-22 ng Mayo, dalawa pa lamang mula sa daan-daang mga restaurants at resorts na may mga bar dito sa isla, maliban pa sa mga disco bar ang nakakapagsumite ng kanilang aplikasyon sa Comelec.
Dahil dito, ayon kay Aklan Comelec Supervisor Atty. Robert Salazar, mapipilitan na talaga itong sadyain ang Boracay para ipatupad ang naaayon sa batas sakaling ayaw pang tumalima ng mga estabshemiyentong ito.
Bagamat walang deadline sa aplikasyon, umaaasa sana ito na masigasig ang tugon ng mga negosyante sa isla kaugnay sa paghiling ng exemption gayong iisang republika lang ang Boracay at Pilipinas.
Kaya dapat din umanong sumunod ang Boracay sa mga ipinapatupad na batas.
Sisimulan aniya ang pagpatupad ng liquor ban na ito sa ika-9 ng Mayo hanggang sa ika-13 ng hating gabi bilang bahagi parin ng mapayapang halalan.
Batay ito sa Comelec Minute Resolution 13-0322, kung saan nagbabawal sa pag-inom, pagbili at pagbinta ng alak lalo na sa mga pampublikong lugar, maliban na lamang sa mga establishemiyentong na-accredit sa Department of Tourism, kung saan ang sinuman umanong mahuli na lumabag dito ay makukulong.
No comments:
Post a Comment