Dalawang buwan matapos paslangin, umuusad na umano ngayon
ang kaso ng Ati Spokesperson na si Dexter Condez.
Matatandaang si Condez ay pinatay noong gabi ng Pebrero a-bente-dos,
taong kasalukuyan, habang naglalakad ito pauwi sa kanilang Village sa Sitio
Lugutan, Manoc-manoc, kasama ang dalawang babae na kapwa nito katutubong Ati.
Ayon kay Deputy Police
Superintendent Region 6, Manuel Felix, wala na umano sa kamay ng Philippine
National Police o PNP ang kaso ni Dexter, dahil nai-akyat na ito sa Higher
Court.
Kung saan tatlong suspek na umano ang kinasuhan, kasama na
si Daniel Celestino, ang unang itinuturong suspek sa kremin, at ang dalawa pang
suspek na hindi na pinangalanan pa.
Kaugnay nito, nangako naman umano ang Commission on Human
Rights o CHR na tutukan nila ang kaso ni Dexter upang mapabilis itong maresolba.
Matatandaang sa pagdalaw ni Department of Justice Secretary
Leila De Lima sa Ati Community kamakailan ay inihayag din nitong mahigpit
nilang mino-monitor ang kaso ni Dexter upang mabigyan ng agarang hustisya .
No comments:
Post a Comment