YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 22, 2013

Entry at Exit point ng Boracay, hinihigpitan na

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Naghihigpit na ngayon ang Coast Guard sa Caticlan at Boracay sa pagbabantay sa mga entry at exit points ng isla.

Ayon kay Coast Guard Caticlan Assistant Senior Chief Petty Officer Ronnie Hiponia, lahat ng mga entry points papuntang Boracay pati ang cargo area at bago pa man pumalaot ang barkong pang-RORO ay sinisiguro nilang may mga K9 na nakadeploy para walang nakakalusot na mga illegal na makakapagdala ng problema.

Ito ay kasunod na rin ng mga napapaulat na mga pambobomba sa mga pampublikong lugar ibang bansa.

Nabatid din mula kay Hiponia na bagamat may tatlong K9 ang Coast Guard sa Caticlan na para na sa buong probinsiya, aminado ang Assistant Commander na kulang sila sa handler ng K9 sa ngayon kaya’t dalawang aso lamang ang nagagamit nila.

Ganoon pa man, sinisiguro umano nila na lahat ng pumapasok sa isla at sumasakay sa barkong pang-RORO ay dumadaan sa masusing inspeksiyon para sa kaligtasan ng lahat.

No comments:

Post a Comment