Hindi lamang mga basura ang nakitang problema sa Bukid Talipapa sa Barangay Manoc-manoc.
Kundi ang pagsulputan umano ng mga boarding houses doon, na wala namang permiso o kaukulang dokumento bago ito itinayo, ayon kay Island Adminstrator Glenn SacapaƱo.
Maliban dito, hindi din umano rehistrado sa LGU o maging sa barangay ang mga boarding house na ito doon na animo ay squatters’ area sa dami nilang nagsiksikan sa nasabing lugar.
Dahil dito, nagpahayag si SacapaƱo na kapag hinayaan lamang na ganito ang lugar na hindi magkaroon ng disiplina sa iba’t ibang aspeto ang mga nakatira doon, nababahala umano sila sa posibleng sakuna na posibleng mangyari na sa huli at ibabalik din ang sisi sa lokal na pamahalaan sa Boracay.
Nabatid din mula dito na may ilang beses na rin nilang binisita ng monitoring team ng LGU ang lugar para kausapin ang mga nakatira doon kaugnay sa mga problemang nararanasan at nakita doon, lalo na sa usapin ng boarding houses.
Pero pinagtataguan pa umano sila minsan ng may-ari.
No comments:
Post a Comment