Handa na ang mga PCOS machine na gagamitin sa Aklan para sa May 2013 elections.
Katunayan, 95-98% nang handa ang mga PCOS machine na ito.
Sapagkat na-i-deliver na at naririto na rin sa Aklan na siyang binabantayan naman na ngayon ng mga awtoridad at sinisiguro nasa ligtas na lugar bago paman sumapit ang halalan, ayon kay Aklan Comelec Supervisor Atty. Robert Salazar.
Aniya, sa kabuuan, may 504 na precinct count optical scanner (PCOS) machine ang gagamitin sa probinsiya, na katumabas ng bilang na mga presinto para sa mga buboto dito.
Kung saan, sa ngayon ay dalawang bayan na lang umano sa Aklan ang hindi pa dumarating sa kanilang PCOS na gagamitin.
Ayon sa Comelec Supervisor, ang bayan ng Makato at Malinao na lamang ang wala pang PCOS pero inaasahang darating na rin aniya.
No comments:
Post a Comment