YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 25, 2013

Mga tattoo artist sa Boracay, ipapakita ang galing sa malinis at ligtas na paraan

Ni Peach Ledesma, YES FM Boracay

Ligtas at malinis na pagta-tattoo.

Ito ang gustong itaguyod ng ALIMA Skin Arts Club Inc. sa kanilang pagpapatawag sa Department of Health Region 6 para sa isang seminar na isasagawa sa ika-dalawampu’t-anim ng Abril, taong kasalukuyan.

Ayon kay ALIMA founder Sanny SeƱeres, layunin nilang isailalim sa seminar ang kanilang mga kapwa tattoo artists dito sa isla ng Boracay upang sila ay magkaroon ng tamang kaalaman sa mga panuntunang dapat na sinusunod ng mga skin artists para sa ligtas at malinis na pagta-tattoo.

Anya, “plus factor” na rin para sa mga  ito na sila ay maging accredited at certified ng DOH na sumusunod sa mga standards ng nasabing health agency, lalung-lalo na pagdating sa kalinisan at kaligtasan ng kalusugan ng kanilang mga kustomer.

Kaya, dagdag pa nito, mas maganda kung kukunin ng mga tattoo artist dito sa isla ang pagkakataon na makapag-seminar sa DOH, lalo na at minsan lang naman ang pagkakataong ito.

Ang nasabing seminar ay may kaugnayan sa aktibidad ng ALIMA na 3rd Boracay Tattoo Wars kung saan ipapakita ng mga tattoo artists ang kanilang galing sa skin art, na gaganapin sa ika-dalawampu’t-anim hanggang ika-dalawampu’t-pito ng Abril taong kasalukuyan.

No comments:

Post a Comment