Hindi na kailangan pang pag-aralan ng mga kapulisan dito sa Boracay ang magsalita ng ibang foreign language.
“I-limit na lang natin sa peace and order ang ating mga pulis”.
Ito ang iginiit ni Police Senior Supt. Alan Guisihan, kaugnay sa suhestiyon ng isang miyembro ng BFI o Boracay Foundation Incorporated na isailalim sa training ang mga pulis sa Boracay sa iba’t-ibang lengguwahe.
Ang trabaho umano kasi ng mga pulis ay para lamang sa peace and order at hindi ang pagiging interpreter.
Kung saan, sinabi nito na limitahan na lang dapat ang trabaho ng mga pulis, nang sa ganoon ay magampanan nila ng maayos ang kanilang trabaho base sa ibinigay sa kanilang mandato.
Magkaganoon pa man, iminungkahi pabalik ni Guisihan sa taga-BFI na dahil may BAG o Boracay Action Group na, ay sila na lamang ang sanayin para dito.
Ito’y sakaling ang mga pulis ang mangailangan ng interpreter, kung halimbawang may mga turistang Chinese o Russian na makausap ay ang mga taga-BAG na lamang ang tatawagan.
Ang nasabing suhestiyon para sa mga taga-Boracay Police ay ipinaabot kamakailan lang sa ipinatawag na consultative meeting ng mga taga PNP Regional Office 6 sa mga stakeholders ng Boracay.
No comments:
Post a Comment