Inilunsad na ng Simbahang Katolika ang KKK o “Kilatisin ang
Karapat-dapat na Kandidato” Drive.
Ito’y para matulungan ang mga tao sa pagpili ng mabuting
kandito sa nalalapit na May 13, 2013 elections.
Ayon sa report, magpapalabas ang simbahan ng video
presentation pagkatapos ng misa tuwing Linggo kaugnay sa tamang pagpili ng kandidato.
Samantala, sa panayam ng himpilang ito kay Father Arnold
Crisostomo ng Boracay Holy Rosary Parish Church, sinabi nitong wala pa siyang
ideya tungkol dito.
Ang naturang hakbang ay makakabuti rin umano sa pagbibigay
ng guidelines sa pagpili ng kandidato.
Dagdag pa ni Crisostomo, kahit hindi pa umano inilunsad ang
KKK drive ay nagbabahagi na siya ng guidelines sa mga nagsisimba dito.
Dapat din umanong pumili ng kandidatong may magandang pangarap
sa kanyang pinamumunuan.
No comments:
Post a Comment