YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, April 26, 2013

Aklan, mayaman sa buong Region 6 --- NSCB Suvey

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Itinuturing na angat na ngayon ang probinsiya ng Aklan sa buong Region 6.

Sapagkat kung kumpara ito sa mga probinsiya sa Region, ang Aklan ang may pinakamamabang bilang ng mga pulubi o naghihikahos sa buhay.

Ito ay kung pagbabatayan ang pinakahuling survey na inilabas ng National Statistical Coordination Board (NSCB).

Sa ulat kasi ng NSCB, ang Aklan ang may pinakamababang bilang ng mga Pilipino na masasabing mahirap ang kanilang pamilya sa Region 6.

Kung saan nakapagtala lamang ng 21% na pamilyang naghihirap ang Aklan noong nakaraang taon, kung ikukumpara sa datus ng survey noong 2006 na nakapagtala ng 32.3% at nitong 2009 ng 38.4%.

Samantala, ang probinsiya ng Antique naman ang nakapagtala ng may pinakamalaking bilang ng mga mahihirap na pamilya sa buong Western Visayas na imabot ng 32.1%, sinundan ng Guimaras na may 26.2% Negros Occidental, Capiz 25. 4% at Iloilo na 21.9%.

Ang survey ay ginawa ng NSBC nitong nagdaang huling bahagi ng taon.

No comments:

Post a Comment