YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 23, 2013

Decriminalization sa “vagrancy” naging suliranin sa Boracay!

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Dahil sa sunod-sunod na kaso ng mga pangyayari sa Boracay na may kinalaman ang mga bading, tila ramdam na rin ngayon ng otoridad sa islang ito ang bigat kaugnay sa mga aktibidad ng tinaguriang mga “lady boy” sa Boracay.

Ayon kay Police Inspector Kennan Ruiz ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC, maliban sa nakaka-contribute ang mga ito sa prostitusyon dito, nasasangkot din ang mga ito sa ilang kaso ng pangloloko sa mga turista.

Kaya simula umano ng bawiin ng kasalukuyang pangulo ng bansa ang batas may kaugnay sa mga pagala-gala o “vagrancy”, ay tila hirap na rin ang otoridad ngayon sa pagsupil sa mga katulad na gawain, hindi lamang sa mga ladyboy na ito kundi pati din sa ibang indibidwal.

Bunsod nito, umaaksiyon na lamang umano ang pulis sa Boracay kapag may nagawang labag sa batas ang mga pagala-galang indibidwal na ito.

Sapagkat wala na rin silang legal na basehan kung huhulihin pa nila ang mga pagala-gala sa isla.

Maliban na lamang sa mga minor de edad dahil may ipinapatupad naman curfew para sa mga kabataan.

Kung maaalala, halos laman ng record ng BTAC na kalimitang inirereklamo at nagrereklamo ay ang mga lady boy na ito, kung saan kamakailan lang ay nanuntok ng dalawang pulis sa isla.

No comments:

Post a Comment