Posted January 21, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ito ngayon ang suhestyon ni Executive Assistant IV Rowen
Aguirre sa nakatakdang mandatory drug test sa empleyado ng LGU-Malay.
Sa panayam ng himpilang ito, kwenistyon nito kung ano ba
ang purpose ng mandatory drug test o baka umano gusto lang natin dito na
makisabay sa uso dahil merong kampanya ang Duterte administration sa iligal na
droga.
Aniya, ang nakikita niyang dapat gawin dito ay kung may
mga aplikante sa munisipyo, pwede itong isailalim sa mandatory drugtest.
Dagdag pa ni Aguirre meron pa umanong tinatawag na Random
Testing kung saan ang sasailalim lang dito ay yaong hindi nakapag-handa at
pipiliin lang kung sino umano ang mukhang adik.
Kaugnay nito, resulusyon palang umano ito ng Sangguniang
Bayan ng Malay at wala siyang ideya kung si Mayor Cawaling ay mag-oorder nito
na gawin dahil isa ring katanungan dito ay kung sino ang magbabayad kapag sumailalim
na ang mga ito sa drugtest.
No comments:
Post a Comment