Posted January 19, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Di sukat akalain ng biktima na
siya umano ay sasaksakin ng kanyang kainuman sa Sitio Lugutan, Brgy. Manoc-
Manoc, kahapon.
Sa blotter report ng Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC), kinilala ang biktima na si Mark Anthony Royo Riano, 25-anyos, tubong
Sibuyan, Romblon at pansamantalang nanunuluyan sa naturang lugar habang ang
suspek Naman ay kinilalang si Aniceto Salo Salahid, 54- anyos residente ng
naturang ring lugar.
Batay sa report, papauwi na ang biktima sa kanilang bahay
ng alokin ito ng kanyang kainuman na bilhin ang isang transistor radio ngunit
kanya naman itong tinanggihan.
Dahil dito, agad na nagalit si Salo kung saan agad itong
kumuha ng kitchen knife at sinaksak ang biktima sa kanyang kaliwang beywang.
Agad namang tumawag ng police assistance ang biktima at
isinugod ito sa isang klinika para sa kanyang agarang medikasyon.
Samantala, inaresto naman ang suspek kung saan nasa
kustodiya na ito ng Boracay PNP.
No comments:
Post a Comment