Posted January 18, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Wala naman
umanong pinagbago o dinagdag ang Local Government Unit ng Malay sa mga requirements
para sa renewal ng mga Business Permit para sa taong 2017.
Ayon kay Executive
Assistant IV Rowen Aguirre, wala naman umanong idinagdag na requirements para
sa pag-proseso o pag-renew ng business license.
Nabatid kasi na
may idinagdag noon na requirements katulad ng SSS at PHILHEALTH para sa mga empleyado maliban
sa pagkuha ng health card at PESO Certificate na taunang nire-renew.
Kaugnay nito, ang
aktwal umano na pag-renew ng Business Permit ay hanggang Enero 20 subalit sa
nakasanayan maaring ma-extend ito hanggang 3rd week ng buwan ng Pebrero base na
rin sa kahilingan ng SB Malay.
Samantala, sinabi
naman ni Aguirre na importante sa kanila na binibilang ang oras sa pag-proseso
ng dokumento kung saan paalala nito na dapat kumpletuhin muna ang papeles para sa pag-renew upang mapadali ang kanilang pagkuha
ng permit.
No comments:
Post a Comment