Posted January 19, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Ito ang naging pahayag ni SB Dante Pagsuguiron sa ginanap
na 3rd Regular Session ng SB Malay kaugnay sa pagpapatawag sa committee hearing
sa snorkeling activities.
Aniya, napag-usapan na umano ng matagal ang naturang isyu
at hanggang ngayon ay wala pa ring nakikinig kaya minabuti nitong i-refer na lamang
ang isyu sa Committee on Environment at Committee on Transportation.
Bagamat na hindi na sasali si Pagsuguiron sa naturang
isyu, ipagkakatiwala na lamang daw niya ito sa kanyang mga miyembro sa
Committee on Tourism kung saan siya ang chairman.
Suhestyon pa nito na magpokus din umano sa lugar ng Yapak
at Balabag dahil ang mga nabanggit na lugar ay kasama din umano sa snorkeling
activities.
Pahabol din nito na kung maaari ay bigyan umano ng
Treasurer’s Office ng impormasyon ang komite kaugnay sa kung ilan ang naging
koleksyon sa mga snorkeling activities.
Matatandaan na naging kontrobersyal at maka-ilang ulit ng
tinalakay sa Sangguniang Bayan ang usapin sa snorkeling tickets dahil umano sa
anolmalya sa pagsingil at pangangasiwa dito.
No comments:
Post a Comment