Posted January 19, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Tuloy parin umano ang moratorium sa pagbibigay ng Permit
to Transport o (PTT) sa lahat ng sasakyan partikular ang single motorbike ayon
kay Executive Assistant IV Rowen Aguirre ng LGU-Malay.
Sinabi nito na eksklusibo lang ang renewal sa meron ng
hawak na Permit to Transport.
Nabatid noong Setyembre ng nakaraang taon ay nagbaba ng
Memorandum Order No. 2016-42 ang LGU Malay sa pamamagitan ng Transportation
Office kung saan nakapaloob dito ang pag-suspendi ng pag-issue ng transport o
permit to operate ng mga single motorcycle sa isla.
Ang dumaraming bilang ng motorsiklo at laganap na illegal
operation kagaya ng pamamasada ng single-motorbike sa isla ang nakitang dahilan
ng nasabing Memorandum.
Payo ng LGU Malay, huwag munang bumili ng bagong
motorsiklo at itawid sa Boracay dahil sa ngayon ay hindi pa sila makakapagbigay
ng permit.
Kung sakali naman na maaktuhan ang mga driver na
nagmamaheho ng motorsiklo na walang permit to transport ay huhulihin ang mga
ito ng MAP at bibigyan ng kaukulang penalidad.
Samantala, mahigpit na pina-alalahanan ni Aguirre ang mga
may-ari ng motorsiklo na huwag subukan na magpagawa ng pekeng permit to
transport dahil ipinagbabawal din ito ng batas.
No comments:
Post a Comment