Posted January 23, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Sisimulan na umano ngayong taon ang $1 BILLION na halaga
ng tulay na magko-konekta sa apat na isla sa Visayas, bago paman umano matapos
ang termino ni Presidente Rodrigo Duterte.
Ayon kay Department of Public Works Secretary Mark
Villar, ang pagkokonekta umano ng Iloilo-Guimaras-Negros-Cebu ay
pinaka-adhikaing programa sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nabatid na ang haba umano ng nasabing tulay ay may
kapasidad mula sa dalawa hanggang sampung kilometro.
At kung sakaling matapos ito, maaari na umanong mag-road
trip papuntang Iloilo at Cebu.
Ang nasabing proyekto ay sinuportahan naman ni Guimaras
Governor Samuel Gumarin at Iloilo Governor Art Defensor, at tulong na rin ng Public
at Private Partnership (PPP) at ng National Government , inaasahang ngayong taong
2017 ay masisimulan na ang pagpapagawa nito.
Matatandaang ito umanong proyekto ay inanunsyo ni DPWH
secretary Mark Villar sa ginanap na League of Municipalities (LMP) meeting sa
Maynila.
Samantala, sa isang press conference, kasama ni Villar
sina Ernesto Pernia ng National Economic and Development Authority Director
General, Transportation Secretary Arthur Tugade at Vivencio Dizon ng Bases
Conversion and Development Authority President and Chief Executive Officer kung
saan pinag-usapan nila dito ang siyam na infrastructure projects ng Duterte
administration na sisimulang gawin ngayong taon.
At nais umano ng pamunuan ng Duterte Administration na
ayusin ang Manila at ipakalat ang pag-unlad nito sa buong rehiyon.
No comments:
Post a Comment