YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 17, 2017

Danyos sa nangyaring sunog nitong Linggo sa Sitio Tulubhan, umabot sa P 600 thousand

Posted January 17, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

No automatic alt text available.
Mahigit P 600 Thousand umano ang pinsala sa nangyaring sunog sa Sitio. Tulubhan, Brgy. Manoc-manoc, Boracay.

Ayon kay FO3 Franklin Arubang ng BFP Boracay, naganap ang sunog bandang alas- 4:30 ng madaling araw kung saan agad naman nila itong ni-respondihan kasama ang BFRAV - Boracay Fire Rescue, Ambulance and Volunteer, Kabalikat Civicom 961, Boracay PNP, MAP, BIWC, MDRRMO at Brgy. Tanod ng Manoc-Manoc.

Aniya, nagsimula ang sunog sa isang kwarto na pangalawang palapag na Boarding House na gawa sa light materials kung saan nadamay at partially damage naman ang katabing Three-Storey building kasama ang Single-Storey building na bodega.
Nabatid na naapula ang sunog alas-5:25 ng umaga kung saan totally damage ang gawa sa light materials na Boarding House na pagmamay-ari ni Luzviminda Co.

Kaugnay nito, patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire - Boracay Sub-Station hinggil sa pinagmulan ng sunog.

Samantala, nagpa-abot naman ng pasasalamat si Arubang sa lahat ng mga tumulong na residente sa lugar at mga responders sa isla ng Boracay dahil agad nilang naapula ang sunog at walang naitalang nasugatan sa nagyaring sunog.

No comments:

Post a Comment