Posted January 20, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Pinag-usapan na sa nakaraang
3rd Regular Session ng SB Malay ang tungkol sa singilan ng traysikel sa loob ng
Cagban Jetty Port.
Nag-ugat ang isyu ng singilin si SB Jupiter Gallenero ng
P 120 ng drayber para sa chartered trip papuntang Manoc-manoc na ayon sa huli
ay dapat P 100 lang kung taripa ang pagbabasehan.
Depensa ng drayber, may binabayaran sila na parking fee
at para sa BLTMPC rason na ikinarga niya ito sa pagsingil sa konsehal.
Sa pagharap ni Jetty Port PG- III Alexander Valero, ang
pagsingil ng parking fee na P 15 ay base umano sa Provincial Ordinance na
ipinapatupad sa jettyport kabilang na ang mga 4-wheel vehicle na pumapasok at
pumipila.
Ang ipinagtataka ni Gallenero ay kung bakit sa pasahero
ito ikinakarga na ang dapat ay kung ano ang nakasaad sa taripa ay iyon ang
dapat na isingil.
Rekomendasyon ng SB na dapat ay i-apela ito ng BLTMPC sa
Provincial Government para exempted na ang mga traysikel sa loob ng Jetty Port
dahil hindi naman tumatagal sa pagpila ang mga ito sa terminal area na inilaan
sa kanila.
Samantala. ayon naman sa BLTMPC ang P 5 naman na kanilang
kinokolekta ay para sa general fund ng kooperatiba na siyang pinapasahod sa mga
dispatcher at mga workers ng coop.
Sa ngayon, balak ng SB na tulungan ang BLTMPC na
mai-dulog ang usapin sa probinsya nang sa ganun ay hindi na ito maging pasanin
pa ng drayber at pasahero.
No comments:
Post a Comment