Posted January 17, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Generally peaceful and orderly ang naging selebrasyon ng
Kalibo Sto. Niño Ati- Atihan Festival 2017 sa kabila ng pagdagsa ng nakibahagi sa
nasabing selebrasyon.
Ito ay ayon kay Aklan Police Provincial Office (APPO)
Public Information Officer SPO1 Nida Gregas, nang makapanayam ito ng himpilang
ito.
Dagdag pa nito, wala umanong major related incidents ang
naitala sa naturang pagdiriwang maliban sa mga petty crime tulad ng physical
injuries, alarming scandal, at pagpapatala ng mga nawawalang gamit sa
kasagsagan ng selebrasyon.
Bukod dito, naging mapayapa rin aniya dahil sa kanilang
mga isinigawang checkpoints at police
assistance centers katuwang ang mga volunteers at force multipliers.
Nabatid na nasa 1,016 na mga pulis kaakibat ang mga
Philippine Army at mga Civilian Volunteers ang ipinakalat sa buong bayan ng
Kalibo upang tiyakin ang seguridad sa kasagsagan ng selebrasyon.
Samantala, may isang daang mga pulis naman umano ang
idi-deploy sa bayan ng Ibajay para sa pagdiriwang ng Ibajay Ati- Atihan 2017 sa
darating na araw ng linggo.
No comments:
Post a Comment