Posted January 19, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Naging laman ng privilege speech ang pag- angkla ng mga
motorbancas sa snorkeling area Sitio Tambisaan sa nakaraang 3rd Regular
Session ng SB Malay.
Ayon kay SB Jupiter Gallenero, nagiging problema umano
ang pag- anchor ng mga motorbancas sa dagat kung saan nasisira ang mga coral
reefs na iniingatan para sa snorkelling activities.
Ang usaping ito ay kailangang ma- monitor ng maayos at
kung kinakailangan na maglatag ng mga life bouy para doon na lamang ikonekta
ang mga mga motorbancas sa halip na mag-angkla.
Pahabol pa ni Gallenero, baka dumating ang araw na wala
na ang magtangkilik sa mga snorkeling activities dahil sa pagkasira ng mga
corals.
Nagbigay naman ng panig si Vice Mayor Abram Sualog na
ipatawag ang atensyon ng Environment Department para sa pagsasagawa ng agarang
aksyon.
Ayon naman kay Bautista, kailangan ding gumawa ng mga
hakbang ang BIHA katuwang ang Boracay Foundations Inc. (BFI) kung hindi
makapag-proprovide ng bouy ang lokal na pamahalaan ng Malay.
Samantala, sa susunod na sesyon ay ipatatawag naman ang
komite ng transporstasyon , environment at tourism para pag-usapan ang mga
hakbang na gagawin.
No comments:
Post a Comment