Posted January 17, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Nag-apela ang lokal na
pamahalaan ng Kalibo kaugnay sa pagbabawal ng paninigarilyo bilang tugon narin
sa kanilang ordinansa.
Nabatid na,nagpasa ng isang ordinansa ang Sangguniang
Bayan na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at conveyances
kasama na rin dito ang paggamit ng electronic na sigarilyo.
Ayon kay Kalibo Mayor William Lachica ang ordinansa ay
magkakabisa sa buwan ng Marso.
Gayunman, ang lokal na pamahalaan ay nagsisimula na sa
disiminasyon ng impormasyon ng kampanyang ito kung saan ang target nila ay ang
Kalibo Public Market.
Sa ngayon, ay mayroong dalawang mall na ang nagbabawal ng
paninigarilyo sa loob ng kanilang lugar.
Dagdag pa rito, naki-isa sa naganap na street dance party
sa Bayan ng Kalibo ang mga nagtataguyod ng Lokal smoke-free sa festival area ng
Ati-atihan, kasama ang kanilang streamers na humihiling sa publiko na iwasan na
ang naturang bisyo.
Samantala, sa 17 bayan sa Probinsya ng Aklan, hindi
bababa sa walo ang mayroong anti-smoking ordinances kabilang na dito ang Ibajay
at Buruanga.
No comments:
Post a Comment