Posted January 19, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Nandito ngayon sa Bayan ng Kalibo ang popular na Asia's first Grand Master na si Eugene
Torre sa mundo ng chess.
Nabatid na pinangunahan nito ang opening ng National Open
Chess Tournament sa probinsya ng Aklan na isang three- day activities ng National Open Chess Tournament Championship
at National Age Group Chess Championship sa isang mall sa Kalibo.
Kaugnay nito, nagpakitang gilas naman ang mga atletang
lumahok sa naturang tournament na nanggaling pa sa iba’t- ibang bansa, kasabay
din na nagpakitang gilas si Grand Master sa pagsabak niya sa 10-chess board
simultaneous exhibition.
No comments:
Post a Comment