Sumakalibang probinsiya na si PCG Lt. Commander Terrence Alsosa.
Kasabay nito may bagong hepe na rin ngayon ang Philippine
Coast Guard o PCG sa Aklan, Caticlan at Boracay kapalit ni Alsosa.
Epektibo nitong Lunes, ika-5 ng Pebrero ng taong ito,
pormal nang umupo sa binakanteng upuan ni Alsosa ang 33-anyos na si Lt. Cmdr. Jimmy Oliver Vingno.
Sa panayam dito nitong umaga, nabatid mula kay Vingno na
tila swap ang nagyari sa kanila ni Alsosa, dahil ang dating hepe ng PCG sa
Aklan at Caticlan ay siyang ipinalit din doon sa pinagmulan niyang probinsiya,
at iyon ay sa Roxas City sa probinsiya Capiz.
Aniya, ang pagkakalipat sa kanila ay dala na rin ng haba ng
panahon na panunungkulan sa Aklan ni Alsosa na umabot na rin sa tatlong taon, kaya
ipinatupad umano ang “rotation policy” sa kanila.
Dagdag pa dito, dahil sa ang Boracay umano ay isang sikat na
Tourist Destination, isang malaking hamon para sa kaniya ang pamunuan ang PCG dito
maliban pa sa sakop na rin ng kaniyang hurisdiksiyaon ang buong probinsiya ng
Aklan.
Bunsod nito, implementasyon at regulasyon sa mga bangka upang
masiguro aniya ang kaligatasan ng publikong pasahero ang kaniyang pangunahing
pagmamalasakitan.
Samantala, dahil sa tatlong araw pa lang ito sa kaniyang
pwesto ngayon, nakatakda na rin umano ang kaniyang gagawing pagkurtesiya sa mga
opisyales ng bayang ito.
Kahapon naman sa State of the Province Address o SOPA ni
Aklan Governor Carlito Marquez, unang nakilala ng ilang matataas na opisyal ng
probinsiya si Vingno. #ecm022013
No comments:
Post a Comment