Ngayon pa lang ay “fully booked” na ang mga resort o hotel
sa Boracay ilang araw bago ang Chinese New Year.
Nabatid mula kay Department of Tourism o DoT Boracay Officer
In-Charge Tim Ticar na a-sais pa lang ng Pebrero ay aasahan na ang pagdatingan
ng mga nakapagpa-reserve na sa mga resort para dito magdiwang ng Chinese New
Year.
Dahil dito, aasahan na umano ang pagbaha ng turista sa
Boracay.
Hindi lamang ng mga may nasyonalidad na Tsino, kundi pati
ang mga Koreans at Taiwanese na kapwa nagdiriwang din nito sa darating na
ika-10 ng buwang ito.
Nasasabi umano ito ni Ticar, lalo pa ngayon balik na ang
“good relation” ng China at Pilipinas na dating nasira dahil sa isyu sa West
Philippine Sea.
Kung saan binawi na rin umano ng China ang Travel Advisory
laban sa Pinas, kaya wala na silang nakitang rason para maging sagabal.
Maliban dito, may mga travel agency na rin umano na
nakipag-ugnayan sa kaniya na nagpahayag na magdadala ng may apat na daang
turistang Tsino sa Boracay ngayong Chinese New Year. #ecm022013
No comments:
Post a Comment