Walang holiday sa Lunes para sa mga taga-Sanitation Office
sa Malay lalo na sa Boracay.
Sapagkat hinahabol ng mga staff ng tanggapang ito ang mga
naka-iskedyul na trabaho para sa araw na iyon lalo na at tambak din ang
kanilang obligasyon gayong nalalapit na ang deadline para sa pagre-renew ng
permit.
Sa panayam kay Babylyn Frondoza, Sanitation Officer 3 ng
Municipal Heath unit, sinabi nitong mag-o-over time sila sa araw ng pagunita sa
anibesaryo ng pagkamatay ni Emilio Javier ang pinaslang nga gobernador ng
Antique kaya ang buong Western Visayas at deklaradong opisyal o local holiday.
Ito ay kahit na walang pasok ang mga pampumblikong tanggapan
sa araw dahil sa pesta opisyal sa buong rehiyon.
Ayon kay Frondoza, ang mga naka-iskedyul sa araw na iyon na
isang daan at limampung katao na nag-a-aplay para sa Health Card ay malugod
nilang ipo-proseso lalo na ang mga magpapasuri dahil nanghihinayang umano
silang lalo pa at kailangan sila sa mga pagkakataong ito.
Nilinaw din nito na maging sa susunod ng Lunes, ika-25 ng
Pebrero, bilang paggunita sa EDSA People Power revolution
ay mananatiling may pasok o bukas ang tanggapan nila. #ecm022013
No comments:
Post a Comment