Hindi na State of the Province Address o SOPA, kundi
Valedictory Address na.
Ito ang nilinaw ni Aklan Governor Carlito Marquez sa huling
bahagi ng kaniyang talumpati kahapon ng umaga sa itinakdang Annual Report nito
sa mga Aklanon para sa taong 2012.
Kahit pa sa buwan ng Hunyo pa matatapos ang panunungkulan nito
sa Kapitolyo, hindi rin Annual Report ang kinalabasan ng kaniyang speech dahil
sa ang mga ginawa nito sa loob ng siyam na taon ang laman ng kaniyang
talumpati.
Magkaganon man, napuno pa rin ng palakpan mula sa mga dumalo
ang Session Hall ng Sangguniang Panlalawigan kung saan ginanap ang SOPA, nang
ilatag ng gobernador ang kaniyang mga accomplishment.
Maliban sa accomplishment, labis na pasasalamat naman ang
ipinaabot ni Marquez sa mga Department Heads sa provincial Capitol ganon din sa
mga National Agency at Alkalde ng labimpitong bayan sa probinsiya na sumuporta
sa kaniyang administrasyon.
Aniya pasalamat siya dahil sa matibay na bangka o grupo ang
kaniyang sinamahan sa karera nito, kaya na straight o nadiritso nito ang siyam
na taon sa pwesto o tatlong termino na walang gaanong problema.
Pero sa pagkakataon umanong ito hindi na niya malalarawan pa
ang kaniyang sarili kung matutuwa o malulungkot siya, dahil sa final
destination ng kaniyang bangka.
Sa pagtatapos ng kaniyang termino at talumpati sa SOPA
kanina dala parin nito ang kaniya “trade mark” at paniniwala na “uwa it
ginagaid sa kapobrihon”. #ecm022013
No comments:
Post a Comment