75 na preso sa Aklan Rehabilitation Center o ARC ang
pinag-aral ng pamalaan habang naka-kulong.
Ito ang isa sa ipinagmalaki ngayon ni Aklan Governor Carlito
Marquez sa ilalim ng kaniyang administrasyon sa paraan ng Prisoner
Rehabilitation Program.
Aniya, nitong nagdaang taon ng 2012, sinubukan ng
pamahalaang probinsiya na maibalik sa sosyudad ang mga indibidwal na nakapiit doon
ngayon.
Ito ay sa paraan ng pagpapa-aral sa mga ito sa Alternative
Learning System ng Department of Education o Dep. Ed habang nasa loob ng
kulungan.
Maliban dito mayroon din umano silang ginagawang counseling
at Spiritual Services sa may 278 na preso sa ARC. #ecm022013
No comments:
Post a Comment