Awtomatiko na babawian ng “Permit to Transport” o PTT ang
mahuling gumagamit pampasada ang motorsiklo sa Boracay.
Ito ang inihayag ni Malay Transportation Officer Cezar Oczon
sa panayam dito kaugnay sa hindi masawatang pagbiyahe ng ilang indibidwal gamit
ay motorsiklo o ang tinatawag na mga habal-habal.
Ayon kay Oczon, sa ngayon ay sakit ng ulo ni Malay Mayor John
Yap ang problemang ito.
Kaya naman, ngayong wala nang moratorium na ipinapatupad sa
pagbibigay ng Permit to Transport sa mga nais magpasok ng mga bagong sasakyan
sa Boracay lalo na sa motorsiklo sa isla ay
maghihigpit na umano sila sa pagbibigay ng PTT at kasama na ang barangay sa
pagbusisi ng sa dokumento at pagkakakilanlan ng aplikante para sa bagong Permit
to Transport.
Maliban dito, nilinaw din nito na ang sinumang mahuling ginagamit
ang motorsiklo sa pamamasada sa Boracay, gayong malinaw naman umano sa
ordinansa na ang motorsiklo dapat sa isla ay ginagamit sa pang-pribado lamang.
Agad umano nila ito babawian ng PTT at dadalhin ang sasakyan
sa mainland Malay.
Katunayan, ayon sa Transportation Officer, nitong Enero ng
kasalukuyang taon ay nakapagtala na ng 17 motorsiklo ang nahuli nila dito.
Ilan sa mga ito ay walang permit, at ang iba naman ay
nasampulan agad dahil nahuling pumasada kaya binawi ang Permit to Transport ng
mga ito. #ecm022013
No comments:
Post a Comment