Mula sa dating pondo ng Aklan sa taong 2004 na P377 milyon
nang umupo bilang gobernador ng probinsiya si Carlito Marquez, mariing ipinagmalaki
nito sa kaniyang State of the Province Address o SOPA na ngayon sa ilalim ng
kaniyang administrasyon at sa pagtatapos ng kaniyang termino ngayon taong 2013
ay bilyonaryo na ang probinsiyang ito bago niya bitiwan.
Kung saan, sa kasalukuyang taon umano umaaabot na sa P1.19
bilyong at mas mataas pa ng P151 milyon na ang budget ng probinsiya kung
ikukumpara ito noong 2012.
Ang bilyong pisong pondo umano ng Aklan para sa taong ito ay
dala na rin ng naglalakihang kita ng probinsiya, kaya lumaki din ang Internal
Revenue Allotment o IRA ng P974 milyon kumpara sa noong 2004 na may P326 milyon
lang.
Isa pa sa ipinagmalaki nito sa ilalim ng kaniyang
administrasyon ay ang biglaang paglago umano ng kita ng Caticlan Jetty Port
kasabay ng pagdami ng mga turista sa Boracay.
Mula aniya sa dating kita o koleksiyon sa taong 2004 na P15 milyong
koleksiyon, ngayong 2012 ay nasa P206 milyon na.
Resulta na rin umano ito ng patuloy na gumagandang estado ng
tourism industry ng probinsiya. #ecm022013
No comments:
Post a Comment