Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay
Paos-paos man, pero tuloy at maayos pa ring naiulat ni Aklan
Gov. Carlito Marquez ang kanyang report sa mga Aklanon nitong umaga.
Bagama’t para sa taong 2012 lamang ang inaaasahang magiging
laman ng kanyang annual report ngayon, inilatag ni Marquez sa State of the
Province Address o SOPA nito ang mga pagbabago kung saan hindi lamang sumentro
sa accomplishments nito ngayong 2012, kundi naging highlight ay ang accomplishment
nito sa loob ng tatlong termino o siyam na taong panunungkulan nito, bilang
gobernador ng probinsya.
Una sa ipinagmamalaki nito ay ang pag-unlad na nangyayari sa
Boracay na sa ngayon ay mas lalong nakikilala pa sa buong bansa, at ang mga
patunay umano dito ay ang milyong turistang naitala ng bansa sa ngayon.
Bunsod nito ay pinasalamatan ni Marquez ang mga stakeholders
sa Boracay.
Samantala, sa huling bahagi ng SOPA naman nito ay nilinaw ng
gobernador na hindi na SOPA ang ginawa o ipinaabot nito at sa halip ay “valedictory
address” na matapos na ilatag nito ang kanyang mahigit isang oras na talumpati.
No comments:
Post a Comment