Tatlong taon na ngayong buwan ng Pebrero nang ipagiba at
kunin ang imahe ni Birheng Maria sa Groto sa Boracay Rock.
Kaya naman bilang pag-gunita sa mahalagang pangyayaring ito
sa mga Katoliko sa Boracay, kung saan nagkaroon ng iisang boses at nagkapit
bisig para mahanapan ng paraang muling maaayos ang grotto at mapalitan ang
kinuhang imahe ng Inang Maria, sa darating na Lunes, ika-11 ng buwang ito, kung
saan ito rin ang petsa kung saan sinira ang nasabing grotto sa Beach ng Balabag
noong taong 2010 ay magkakaroon ng misa o thanks giving mass para sa Our Lady
of the Lords bandang ala-sais y medya sa umaga, ayon kay Rev. Fr. Jomel
Zambrona.
Mag-aalay naman ng panalangin at bulaklak sa mismong grotto
ang mga deboto ng Birheng Maria na siyang pangungunahan naman ng kaparian ng
Holy Rosary Parish pagsapit ng hapon ng alas-singko.
Kung matatandaan, ika-11 din ng Pebrero taong 2010 ng
ipa-giba ang nasabing grotto sa tinaguriang Boracay o Willy’s Rock.
Subalit dahil sa pagkukumahog ng mga Boracaynon, stakeholder
at mga nananampalataya sa Our Lady of
the Lords ay nagtulungan ang mga ito na ipa-ayos ulit at lagyan ng imahe ni
Maria na siyang kasalukuyang isa sa mga land mark ng Boracay. #ecm022013
No comments:
Post a Comment