Ngayong araw inaasahan na ang pamamaalam ni Aklan Governor
Carlito Marquez sa mga Aklanon bagamat may limang buwan pa ito sa kaniyang
upuan bilang gobernador ng probinsya at sa Mayo pa ang halalan.
Inaasahang magiging sentro ng kaniyang State of the Province
Address o SOPA ngayong araw ang kaniyang ma-emosyunal na pagpapasalamat at
pamamaalam sa mga Aklanon na sumuporta at tumaguyod sa kaniyang pamamahala.
Kung maaalala, halos sa mga nagdaan nitong SOPA ay “patak
luha” si Marquez habang nagpapahayag ng kaniyang mensahe at ulat sa publiko ng
kaniyang mga ginawa.
Kaya ngayon araw din, inaasahan na mas magiging emosyunal
ang araw na ito para sa papalitan ng gobernador.
Ang SOPA ni Marquez ay gagawin ngayong umaga at siyang
pinaka-highlight para sa ika-limang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan
para sa taong ito.
Ito na rin ang magsisilbing huling SOPA ni ng gobernador kasabay
ng pagtatapos ng kaniyang tatlong termino bilang ama ng probinsiya ng Aklan. #ecm022013
No comments:
Post a Comment