Boracay ang may pinakalamaking kontribusyon sa biglaang
paglobo ng pupulasyon sa Aklan.
Ito ang nabatid mula kay National Statistic Office o NSO Aklan
Officer Blas Solidum sa panayam dito nitong umaga.
Aniya, bagamat isang beses sa sampung taon lamang
isinasagawa ang survey at nangyari ito noong taong 2000 pa, kitang-kita naman
umano sa monitoring nila na malaki ang inilaki ng populasyon ng Boracay sa
kasalukuyan.
Ito marahil ay dala na rin ng paglago umano ng industriya ng
turismo ng isla dahil naniniwala ito na kung saan ang kabuhayan at trabaho ay
iyon din ang lugar na ginadagsa ng mga tao.
Kaugnay dito, ang ilang mga trabahador umano sa Boracay gaya
ng mga construction worker at laborer ay dito na naninirahan sa halip na umuwi
pa sa kanilang lugar bawat linggo.
Paglilinaw kasi nito, tulad din ng mga dayuhang turista na
naririto sa Boracay, ang mga workers na ito sa isla, kapag lumampas sa isang
buwan ang kanilang paninirahan dito ay pasok na ito sa bilang ng NSO.
Kaya ito umano ang rason na lumaki ang populasyon ng
Boracay.
Kung maaalala, ito na rin ang inihayag ni Balabag Punong
Barangay Lilibeth SacapaƱo na marami na ang trabahador sa Boracay kaya
ipinapatupad na nila ang barangay ID system. #ecm022013
No comments:
Post a Comment