“Dahil sa ang Boracay ay isla na napapalibutan ng tubig kaya
mahal din ang serbisyo ng tubig.”
Ito ang isa sa nakikitang rason ng TIEZA kaugnay sa sinasabing
ang Boracay ang may pinakamahal na taripa sa paniningil ng tubig, at iyon ay ang
Boracay Island Water Company o BIWC.
Bilang sagot ni Officer In-charges Atty. Marites Alvares ng Tourism
Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA Regulatory sa Boracay.
Isa ito sa itinuturing nilang dahilan sapagkat malayo umano
ang pinagmumulan at kailangan magtanim ng tubong dadaanan ng tubig patawid ng
islang ito mula sa mainland partikular sa Naboy River.
Dahil dito, kailangan pa aniyang mag-invest ng TIEZA at BIWC
sa proyekto, lamang makapagbigay ng maayos na serbisyo at malinis na tubig sa
Boracay na siyang sentro ng turismo hindi lang sa Malay at Aklan, kundi maging
sa buong Pilipinas.
Idagdag pa dito, ayon kay Alvares, na hindi patag ang mga
lugar sa Boracay, gayong may mga matataas na area na kailangang pa nilang lagyan
ng mga pumping station.
Ang pahayag na ito ay sinabi ng abogado sa harap ng mga konsyumer
ng BIWC sa ikinasang Public Hearing kahapon, kaugnay sa planong pagtaas sa
taripa ng serbisyo sa tubig ng nasabing kampaniya ng tubig na aabot hanggang 35.4%.
#ecm122012
No comments:
Post a Comment