Pinawi ngayon umaga ng Pulisya sa Boracay ang pangamba ng
mga residente kaugnay sa umano ay pagala-galang kriminal sa isla na si Regine
Ambay.
Ayon kay P/Insp. Kennan Ruiz ng Boracay Tourist Assistance
Center, hindi dapat mag-panic o matakot ang publiko sa kung anu-ano mga ispekulasyon
hinggil sa suspek na pinaghahanap ng awtoridad sa kasalukuyan.
Dahil ang mga maling impormasyon umano minsan ay nagdadala
ng pangamba sa publiko, result nito ay nagdadala ng kaba, lalo pa at may mga
hindi kagandahan mensahe nag pananakot ngayon ang nakalagay sa kumakalat na mga
text message.
Ganoon pa man, sinabi ni Ruiz walang masama kung maging
alerto ang publiko hinggil sa taong ito, pero hindi naman umano na dapat na ay
katakutan na ang suspek.
Dahil dito, nagpaalala ito na panatilihin pa rin ang segiridad
sa bawat tahanan sa isla, hindi lamang laban kay Ambay, kundi pati pa sa ibang
masasamang loob na naghihintay lamang ng pagkakaon.
Gayon din umano sa mga kababaihan sa Boracay na kapag umuwi
at gabi mula sa trabaho ay kailangan may kasama para sa kanilang kaligtasan.
Hiling din Ruiz sa publiko na sakaling makita nila ang
nasabing nilalang ay ipagbigay alam sa Pulisya sa numero 288-3035 o kaya at BTAC
Hotline 166.
Sa kasalukuyan naman umano ay ginagawa ng awtoridad ang
lahat, lamang mahuli ang suspek na ito.
Ngunit sa ngayon hindi pa masisiguro kung naririto nga sa
Boracay ang taong ito.
Ang paghayag ni Ruiz ay kasunod ng pag-alala ngayon ng
publiko na baka nasa Boracay na nga si Ambay, kasunod ng pagpakalat na rin sa
larawan ng suspek na ito.
Si Ambay ay may kasong pagpatay sa Brgy. Aquino sa Bayan ng
Ibajay noong Nobyembre ng taong ito, pero kasalukuyan ay hindi pa rin nahuhuli.
#ecm122012
No comments:
Post a Comment