Tila nasasalaula na umano ang kapaligiran ng Boracay dahil
sa paglalagay ng mga basement ng ilang establishimiyento sa isla.
Dahil dito, nagpanukala kahapon si Sangguniang Bayan Member
Rowen Aguirre na baguhin o ameyndahan ang Building Ordinance sa Boracay para sa
proteksiyon ng isla.
Ito ay kasunod umano ng napapansin ni Aguirre ang
nakakabahalang paghuhukay ng mga establishimiyento para gawing basement sa
kabila umano na batid naman ng lahat na kaunting hukay lang ay tubig na ang
lumalabas sapagkat ang Boracay ay napapalibutan din ng tubig.
Pinuna din ng konsehal ang masakit sa matang mga hose na
ginagamit ng mga establishsmentong ito dahil walang tigil umanong paglalabas ng
tubig na diritso sa drainage na wala pang direksyon sa ngayon.
Maliban dito ang iba naman ay diritso umanong nagdidispatsa
ng tubig mula sa basement papuntang beach.
Kaya, nais ngayon ng konsehal na ipagbabawal na ang
paglalagay ng basement. #ecm122012
No comments:
Post a Comment