Handa na ang ng Simabahang Katoliko sa isla ng Boracay para
sa pagsisimula ng 9 mornings o simbang gabi.
Katunayan ay may mga iskedyul nang ipinalabas ang Holy
Rosary Church sa Balabag kaugnay sa siyam na umagang Misa De Gallo sa isla.
Ayon kay Rev. Fr. Arnold Crisostomo, Kura Paroko ng Holy
Rosary Church sa Boracay, alas-4 ng umaga sisimulan ang misa bawat araw, simula
sa ika-16 ng Disyembre.
Pero sa mga nais naman umanong dumalo sa Santo Rosario, ginagawa
ito bago magsimula ang misa sa umaga.
Samantala, sa darating na ika-24 ng Disyembre, ilang oras
bago ang selebrasyon ng kapanganakan ni Jesus ay gaganapin aniya ang misa sa
oras na alas-9 ng gabi sa Holy Rosary Church.
Habang ang mga misa naman umano sa Chapel ng Yapak at
Manoc-manoc sa nasabing petsa din ay
gagawin alas-6:30 ng gabi bago ang misa sa Balabag. #ecm122012
No comments:
Post a Comment