Binatikos ng mga dumalo sa public hearing na ipinatawag ng Tourism
Infrastructure Enterprise Zone Authority o TIEZA ang proposed rate increase
para sa singil sa tubig at waste water management ng Boracay Island Water
Company Inc. o BIWCI.
Maliban sa ayaw ng mga dumalo na taasan ang singil sa tubig,
pinuna ni SB Member Rowen Aguirre kung bakit konti lamang ang dumalo at kung
may epekto ba ang bilang ng mga dumalo sa desisyon ng TIEZA Board of Directors
na siyang mag-aapruba ng rate.
Bilang sagot ng TIEZA, sinabi ni Atty. Marites Alvarez na
kaunti man ang dumating at dumalo ay hindi umano sila nag-kulang sa pag-i-imbita
sa publiko para dumalo at ipaalam sa mga ito ang halagang balak na idagdag sa
singil.
Dagdag pa ng abugado, maituturing pa rin umanong legal ang
isinagawang public hearing dahil hindi naman kailangan ang quorum.
Ipinunto naman ni SB Member Esel Flores na naniniwala itong
hindi naman nalugi ang BIWCI nitong nakaraang taon sa kabila ng pagpapa-unlad
na ginawa ng kompanya, kung kayat bakit pa kailangang taasan ang singil.
Samantala, maliban sa nabanggit na mga opisyal ng bayan,
lahat ng mga dumalo sa pagdinig ay tutol sa 35.4% increase na ito.
Lalo pa at may ilang reklamo pang ipinaabot kaugnay sa
operasyon ng BIWC, bagay na maliban sa tanong sa rate increase, reklamo ang
ipinaabot nila. #ecm122012
No comments:
Post a Comment