Dapat talagang makasuhan ang Security Guard na nanutok ng
baril sa miyembro ng Municipal Auxiliary Police o MAP.
Ito ang nais mangyari ngayon ni Island Administrator Glenn Sacapano,
gayong sa ilalim ng pamumuno nito ang mga MAP sa Boracay.
Pero ang lahat umano ay depende na sa pangungunisa at suhestiyon ng Pulis sa Boracay.
Ang pahayag na ito ni Sacapano ay kasunod ng panunutok ng
baril ng isang security guard na si Franc Raz sa MAP Member na si John Quinto
kagabi habang ginagampan ng MAP ang kanilang tungkulin sa main road ng Balabag.
Nangyari ito makaraang arogante umano sinigawan ng guwardiya
ang MAP na ayusin ang trapik sa nasabing lugar at sinundan ng panunutok ng
baril ng lapitan ito at sitahin kaya nagkaroon ng kumprontasyon.
Kaugnay nito naniniwala naman ang Administrador na gayong
nangyari ito habang ginagampanan ng MAP ang trabaho, hindi naman umano ito
pababayaan ng lokal na pamahalaan ng Malay. #ecm122012
No comments:
Post a Comment