Kung gaano kahirap pailawan ang iilang poste at kalye sa isla
ng Boracay, ganoon naman kadaling liliwanag ang National High Way ng Aklan mula
Caticlan papuntang Kalibo Airport kung sakali matuloy na ito.
Sapagkat ang Road Board Fund ng DPWH ay naglaan ng P50-milyong
pondo para pailawan ang mga daanang ito.
Kung saan, layunin umano ay upang masigurong ligtas ang mga
turistang dumadaan dito.
Ang P50-milyon ay inilaan para sa street lights sa highway ay
hiniling umano ni Kasangga Rep. Teodorico Haresco sa DPWH na siyang nagpresinta
naman sa lokal na pamahalan ng probinsiya.
Pero ang DPWH pa rin umano ang magpapatupad sa proyekto.
Bagamat malinaw na makakatanggap ang Aklan ng ganoon kamahal
na proyekto, nagpaabot pa rin ang Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ng
pag-endorso sa proyekto na isa din sa mga requirements ng Board.
Samantala, nabatid na ang area ng Nabas at Caticlan, gayon
din ang Numancia diretso na sa Kalibo Airport ang uunahing lalagyan ng streetlights.
Ito ay dahil ang mga kalsada sa area na ito ay napalaparan
na ng DPWH, at upang pemanenteng na rin umano ang mga poste na ilaw na ang
ilagay nila dito. #ecm122012
No comments:
Post a Comment