Nangunguna umano ngayon sa puntos ang Barangay Manoc-manoc
sa ikinasang “Beautification of Barangay Contest”.
Ito ang nabatid mula sa Municipal Tourism Office partikular
kay MTO Chief Operation Officer Felix Delos Santos Jr.
Aniya sa pre-judging na ginawa nila ng inikot ng mga hurado
kamakalawa ang apat na Barangay na kalahok sa patimpalak, ang Brgy. Yapak,
Balabag, Manoc-manoc at Caticlan.
Ang Manoc-manoc ang nangunguna sa puntos sa ngayon.
Pero ayon kay Delos Santos, magkakaroon pa rin ng final
judgment sa mga paghahanda na ginawang ito para mapaganda at maging malinis ang
nasabing mga Barangay na siyang punterya at dinadaanan ng mga turista na
nangpupunta dito sa Boracay.
Ayon dito, nakatakda ang final na judgment para sa
patimpalak na ito sa ika-20 ng Disyembre.
Layunin ng programang ito na mapanatiling malinis ang isla
pati na rin ang Barangay Caticlan na siyang pintuan ng Boracay, at maipadama
ang diwa ng Pasko hindi lamang sa mga turista kundi maging sa mga residente ng
islang ito.
Ang “Beautification of Barangay Contest” ay programa ng
lokal na pamahalaan ng Malay na pinangasiwaan naman ng Tourism Office. #ecm122012
No comments:
Post a Comment