Tila hindi na mahahati sa dalawang distrito ang probinsiya
ng Aklan.
Sapagkat noong ika-10 ng Disyembre, nabatid na muling hinarang
sa Senado ni Sen. Sergio Osmeña ang resolusyon na lumilikha ng isa pang
Congressional district sa probinsyang ito.
Ito ay makaraang ihain ni Aklan Rep. Florencio Miraflores sa
mababang kapulungan ang House Bill No. 3860 na siyang panukalang batas na ito
na sopurtado naman ng mga Alkalde ng probinsiya.
Dahil dito, inaasahang mahigit sa P210-M ang mawawala sa
lalawigan matapos harangin ni Osmeña ang resolusyon, sapagkat ang bawat
kongresista ay may nakalaang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na P70-M
bawat taon.
Subalit kapag patuloy itong haharangin ng senador, mistulang
bula na maglalaho ang pangarap na ito para maging dalawang distrito ang Aklan.
Gayong ito na sana ang maituturing na isa sa mga solusyon
upang gumanda ang ekonomiya ng probinsiya dahil dalawa na ang kakatawan sa
kongreso.
Kung matatandaan, si Senate on Local Government Committee
chairman Sen. Bong Bong Marcos ang nagdala ng panukalang ito ni Miraflores sa senado
para lubusan na sanang maging batas kung maaprobahan.
Pero, sa kabila ng pagnanais ng lokal na opisyales ng
probinsiyang ito na maipasa bago ang paghahain ng kanidatura nitong Oktubre,
una nang kinontra ito ni Osmeña, kaya napilitan ang senado na suspendihin ang
pagdinig sa house bill. #ecm122012
No comments:
Post a Comment