Balak ng lokal na pamahalaan ng bayang ito na magkaroon ng
akmang Municipal Environmental Code ang Malay kasama na ang Boracay.
Kaya nais na itong trabahuhin ng Punong Ehekutibo ngayon.
Uumpisahan ito sa pagkakaroon ng consultant na siyang eksperto
para makatulong sa pagbigay ng sulosyon sa usaping pangkapaligiran sa bayan para
mapangalagaan ang likas na yaman lalo na ang Boracay.
Dahil dito, hiniling ng Alkalde sa Sangguniang Bayan ng
Malay na bigyang awtoridad siya para pumasok sa sang kasunduan sa isang dalubhasa
sa larangan para sa proteksiyon sa kapaligiran.
Si Dr. Miguel Fortes ng University of the Philippines Marine
Science Institute ang napipisil nitong na siyang magiging Consultant sa bubuuing
Environmental Code. #ecm122012
No comments:
Post a Comment