“Kapag walang dokomento mula sa Barangay sa Boracay,
Municipal Social Welfare at Alkalde sa Malay ay huwag bigyan ng donasyon o pera.”
Ito ang paalala ngayon ng lokal na pamahalaan ng Malay sa
mga establishimiyento at residente ng islang ito.
Kasunod ng dumadaming dayo mula sa iba’t-ibang probinsiya na
pinupunterya ang Boracay para manghingi ng donasyon gamit ang kani-kanilang relihiyon,
organisasyon at minsan naman ay ginagamit ang programa ng pamahalaan.
Ayon kay Island Administrator Glenn Sacapaño, walang masama
kung manghingi ng tulong at magbigay sa kapwa.
Pero kailangan parin umanong masigurong totoo ang mga
nakasaad sa papel o na dinadala ng mga grupong ito sa isla na nililibot at
ipinapakita sa mga pamamahay at establishimiyento para makahingi ng pera.
Ayon kay Sacapaño, tila nasasanay na kasi ang ibang grupo na
dumayo sa Boracay gayong kung titingnan ay ang mga taga dito sa isla ay
hanggang maaari ay hindi pinahihintulutan, depende sa kanilang layunin.
Kung tutuusin umano ay nakakapagtaka naman talaga gayong
gagastos pa ang mga ito ng pamasahe mula sa kani-kanilang lugar para manghingi
lamang ng donasyon sa Boracay. #ecm122012
No comments:
Post a Comment