Matapos ang mahigit isang taong serbisyo sa Malay at Boracay
pagdating sa pagtuturo ng Life Saving, pansamantalang iiwan muna ni Surf Life
Saving Development Officer David Field sa ika-19 ng Disyembre ang Boracay,
dahil pinapabalik muna ito ng Philippine National Red Cross o PNRC sa Central
Office nila.
Ganoon pa man, ayon kay Marlo Schoenenberger, Administrator
ng Red Cross Malay-Boracay Chapter, aasahang babalik pa dito si Field upang
taasan pa ang antas ng pagsasanay lalo na ng mga Life Guard ng LGU sa isla.
Target umano ni Field na gawing Level 5 ang kasalukuyang
level 3 training ng Life Guard dito.
Kaugnay dito, ang Sangguniang Bayan ng Malay ay may panukala
na rin ngayong magpasa ng resolusyon ng pasasalamat at pagkilala sa mga tulong
na ipinaabot ng nasabing propesiyonal na
Australian Life Saver sa Boracay.
Partikular na tinukoy ng mga konsehal ang tulong na ginawa
nito upang ma-angat ang kasanayan ng mga Life Saver sa Boracay, kabilang na ang
Life Guard ng LGU at mga estalishemento, gayon din sa mga Coast Guard, Red
Cross Volunteer at mga kabataan mula sa iba’t-ibang paaralan sa isla.
Dahil dito, ang mga naiwang Red Cross instructor na tinuruan
din ni Field muna ang magpapatuloy sa pagturo.
Samantala, nabatid naman mu la kay Schoenenberger na habang
nasa bansa si Field, pabalik-balik sa Phuket, Thailand at Boracay ang nasabing
propesyunal na Life Saver para magturo.
Kung saan napadpad umano ito dito, dahil pinadala ng
Australian Red Cross sa PNRC na siyang pinadala din dito sa Boracay noong
Oktobre ng taong 2011. #ecm122012
ورود به بازی انفجار از دیدگاه بسیاری از افراد یک فرصت جذاب و سرگرم کننده برای کسب درآمد است. اما اهمیت ورود به این بازی بیشتر از این می باشد. این بازی فرصتی است که با شناخت دقیق قوانین و استراتژی های بازی، می توانید به عنوان یک بازیکن حرفه ای به طور مستمر و مطمئن درآمد کسب کنید.
ReplyDelete