Ito ay kasunod sa programang ikinasa ng lokal na pamahalaan
ng Malay sa Boracay na “Light a Boracay Christmas Star” para iparamdam sa nga
bisita ng isla ang diwa ng Kapaskuhan.
Dahil dito, humiling ng tulong ang Punong Ehikutibo sa mga
Punong Barangay ng tatlong barangay din sa Boracay na kung maaari ay tulungan
ang LGU sa kanilang adhikain.
Ito ay para sa promosyon ng masayang pasko, kaya kahit ang
mga residente sa isla pati mga stakeholder lalo na ang malapit sa mga daanan ay
hinihikayat nito na magsabit ng parol o kaya ay mga pailaw na nagsisimbolo ng
Pasko.
Kung saan ang mga parol at pailaw na ito ay sabay umanong
sisindihan sa darating na ika-14 ng Disyembre kung saan may progrmang isasagawa
sa Balabag Plaza kasabay ng paglulunsad sa “Light a Boracay Christmas Star”.
Ang programang ito ng LGU Malay patikular ng Municipal
Tourism Office sa Boracay ay sinang-ayunan at sinusuportahan naman ng Red Cross
Malay-Boracay Chapter, Boracay Chamber of Commerce and Industry (BCCI), at Boracay
Foundation Incorporated (BFI). #ecm112012
No comments:
Post a Comment