YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 23, 2012

Akelco, may bagong taripa ngayong Nobyembre

Kung nitong nagdaang buwan ng Oktubre ay halos nasa P10.50 per kilowatt hour ang binabayaran ng konsyumer sa residential areas, ngayong Nobyembre ay halos aabot na ito sa onse pesos.

Kung sa pang-komersiyal naman dati ay nasa P9.75 per kilowatt hour, ngayong buwan ay aabot na ito sa sampung piso.

Ito ay makaraang magpalabas ng bagong taripa sa paniningil ang Aklan Electric Cooperative (Akelco) na ipapatupad ngayong buwan, kung saan mahigit dalawangput walong sentimos ang idinagdag.

Ayon sa pamunuan ng Akleco, ang sunod-sunod na pagtaas ng singil nila nitong Oktubre at nitong Nobyembre ay dahil din sa pagtaas ng presyo ng enerhiyang binibili ng Akelco sa spot market.

Kung maalala, buwan ng Setyembre ay bumaba ng mahigit piso ang taripang ipinatupad ng kooperatibang ito makaraang bumaba din ang gastos ng isa sa pinagkukunan nila ng eherniya partikular na ang nagmula sa hydropower plant dahil sa madalas na pag-ulan noong buwan ng Agosto at Setyembre.

Muling nagpa-alala naman ang Akelco sa mga konsyumer, na maliban sa pag-galaw ng presyo ng binibiling enerhiya sa merkado.

Pwedeng magiging rason din umano sa pabago-bagong taripa nila ay ang generation cost na pinapataw ng mga energy producer gaya ng system loss. #ecm112012

No comments:

Post a Comment