Ito ang inihayag ni Atty. Marites Alvares, Officer
In-Charges ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority Regulatory Office
sa isla.
Kung saan ito aniyang tanggapan nila ay siyang magmonitor sa
operasyon ng Boracay Island Water Company sa serbisyo ng tubig at sewerages
system para masigurong napoprotektahan ang mga konsyumer. at kapaligiran dito.
Kaya para masigurong magkaroon ng maayos na relasyon ang TIEZA
sa kumunidad ng Boracay at hindi nag-aabuso ang BIWC sa mga ito, nais ngayon ng
ahensiyang na kumuha sila ng Quality and Customer Services Officer na nagmula mismo
dito sa isla o kaya ay isang Aklanon para madaling malapitan ng kahit
ordinaryong mamamayan kung may isusumbong man.
Aniya, ang taong ilalagay sa posisyong ito ay siyang magpapa-abot
na rin ng problema nararanasan ng mga konsisyuner dito.
Pero nananatiling tanong parin sa ngayon, kung ang TIEZA Regulatory
Office na ito ay handa na rin bang tumaggap ng mga reklamo kaugnay sa
nararansang pagbabaha dito sa Boracay dahil sa problema sa drainage system. #ecm112012
No comments:
Post a Comment