YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 23, 2012

Mga boatmen at kapitan ng BIHA, nakapag-SOLAS na

Halos lahat na ng kapitan ng bangkang pang-island hopping ng BIHA ay dumaan na sa pagsasanay sa Safety of Life at Sea (SOLAS).

Kung saan, ayon kay Rigoberto Gelito Jr., Chairman ng Boracay Island Hopping Association (BIHA), 250 na sa kanilang mga boatmen at boat captains ang nakapag- SOLAS na sa Iloilo nitong buwan ng Nobyembre.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 280 ang bangkang miyembro ng asosasyong ito.

Ito ay kaugnay pa rin sa layunin ng BIHA na mapanatiling ligtas ang kanilang mga pasahero at kliyente sa nasabing aktibidad.

Sa paraan din umano ng SOLAS training na ito, alerto at handa na rin ang mga tripulante nila sa pag-aksiyon gayong alam na ng mga boatmen at kapitan ang kanilang gagawin sa oras ng emerhiya.

Kasunod nito, dahil sa ang asosasyon at mga may-ari ng bangka umano ang gumastos sa training ng mga tripulante nila, maghihigpit din umano ang BIHA sa mga may balak lumipat ng trabaho, gaya sa paglipat sa ibang grupo ng mga kapitan at boatmen na ito.

Dahil ang pinakalisensiya umano nila mula sa MARINA, o sertipikasyon na sumailalim sila sa SOLAS ay nakapangalan sa bangka nilang ginagamit sa ngayon.

Samantala, maliban sa SOLAS training, nagtakda na rin umano ayon kay Gelito ang lokal na pamahalaan ng Malay, partikular ang Municipal Tourism Office, ng enhancement seminar sa mga ito. #ecm112012

2 comments:

  1. This is probably the very best small vehicle in the AWD category.
    This will be an assurance that the broken parts taken from your car
    will not be reused on other repair work. We wet the whole vehicle and clean it with a brush.


    Feel free to visit my website; cars warranty

    ReplyDelete
  2. Je ѕuis entièremеnt ԁ'accord aѵec vous

    Here is mmy blog post - jeune baiseuse

    ReplyDelete